Here I go again with my hopeless romantic post. I don't care what others might think of me and this is my blog so I have the right to write down all my emotions here.
Putang ina...masakit pala kapag nasa ganitong sitwasyon ako. Wala akng magawa. Hindi ko maligtas ang aking sarili. May kakayanan ako para piliin ang mga bagay na makapagpapadali ng aking buhay ngunit hindi ko pinili ang mga iyon kung di pinili kong masaktan sa iyong piling. Ayos lang, wala akong reklamo, kinakaya ko kasi dito ako masaya sa piling mo.
Pero tao lang din naman ako. Marunong mapagod, marunong sumuko. Pinipilit kong kayanin ang lahat. Pinapatunayan ko sa lahat na kaya ko pa at kakayanin ko pa.
Maraming nagsasabi na mag-move on na raw ako. Pero kung ako tatanungin nyo, mas pipiliin ko pang mamatay. Nahanap ko na ang aking silbi na sa mundong ito at iyon ay ang mahalin ka, alagaan ka at protektahan ka.
"Oh bakit ba pag wala ka na ako'y kulang?
AKO'Y KULANG?"
-Bakit Part 2 by Mayonnaise
Currently Feeling: Lost
|